--Ads--

CAUAYAN CITY –  Limang aktibong miyembro ng Communist Party of the Philippines New People’s Army (CPP-NPA) ang sumuko sa Nagtipunan Police Station.

Ang mga sumuko ay kinabibilangan ng tatlong lalake at dalawang babae.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni  PLt. Scarlette Enriquez, Information Officer ng Quirino Police Provincial Office (QPPO) na magsasagawa pa sila ng  pagsisiyasat kung may kaugnayan ang  limang rebelde sa mga naunang sumuko.

Ang kanilang pagsuko aniya ay  patunay na mabisa ang anti-insurgency campaign ng pulisya sa Quirino.

--Ads--

May edad na ang mga sumukong NPA kaya posibleng matagal na sila sa grupo.

Mayroon silang dalang armas at tatlong Improvised Explosives Device (IED) at mga dokumento na  ginagamit sa kanilang pangangaral para makapag-recruit.

Nasa kustodiya ng Nagtipunan Police Station ang limang sumukong kasapi ng CPP-NPA.

Makakatanggap sila ng benepisyo at livelihood assistance  sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) katuwang  ang mga ahensiya ng pamahalaan na makakatulong sa kanila para sa kanilang pagbabagong buhay.

Naniniwala si PLt. Enriquez na dahil sa magkasunod na pagsuko ng mga rebelde ay mayroon pa silang mahihikayat na sumuko para  matigil na ang kaguluhan dulot ng terorismo.

Ang pahayag ni PLt Scarlette Enriquez ng QPPO.