--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng Police Regional Office 2 (PRO2) sa limang miyembro ng PNP station sa Divilacan, Cordon at Cauayan City kaugnay ng pagdis-arma sa kanila ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) na umagaw sa checkpoint ng DENR at LGU sa Sindon Bayabo, City of Ilagan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt Col Chivalier Iringan, spokesman ng PRO2, sinabi niya na nauna nang hiningan ng paliwanag ang mga sangkot na pulis bilang pagsunod sa due process.

Ayon kay Iringan, na-relieve na ang dalawang miyebro ng Cauayan Police station at isang miyembro ng Cordon Police station kasama ng kanilang mga hepe na nasa Regional Holding Unit habang patuloy ang serbisyo ng 2 miyembro ng Divilacan Police Station.

Aniya, ang pag-relieve sa dalawang hepe at kanilang mga tauhan ay ipinag-utos mismo ni Police Regional Director PBrig Gen. Jose Mario Espino.

--Ads--

Ang pag-relieve aniya sa dalawang hepe at kanilang mga tauhan ay ipinag-utos mismo ni Police Regional Director PBrig Gen Jose Mario Espino.

Iginiit ni PLt Col Iringan na ginagawa lamang ng mga sangkot na pulis ang kanilang tungkulin nang dis-armahan ng mga rebelde na sanhi ng kanilang pagka-relieve at imbestigasyon sa kanila.

Ang tinig ni PLt Col. Chivalier Iringan

Ang mga armas aniya ay pag-aari ng pamahalaan upang gamitin sa pagtatangol ng mga pulis sa kanilang sarili at sa taumbayan.

Ayon kay PLt Col Iringan, umaasa sila na ibabalik ng Reynaldo Pinion Command ng NPA ang mga armas na kanilang kinuha mula sa 5 na pulis.

Ang tinig ni PLt Col Chivalier Iringan