--Ads--

CAUAYAN CITY- Nadakip ang isang drug surrenderer makaraang masamsaman ng shabu sa check point sa Barangay San Placido, Roxas, Isabela.

Ang nadakip ay si Leonardo Druha, 53 anyos , may-asawa, magsasaka at residente ng Barangay Muñoz West, Roxas, Isabela.

Nakasakay sa motorsiklo si Druha nang siya ay parahin ng mga kasapi ng Roxas Police Station sa isang anti-criminality check point.

Dito ay hiniling ng mga otoridad na ipakita niya ang kanyang Oplan Visa at iba pang dokumento.

--Ads--

Sa pagtalima ng suspek, inilabas niya mula sa U-box ng kanyang motorsiklo ang mga dokumento ngunit may nahulog na isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu mula sa mga dokumento.

Si Druha ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)

Samantala, Nadakip ng mga kasapi ng San Mateo Police Station ang apat na lalaki na lumabag sa Republic Act 9165

Dinakip sa checkpoint sina Jobert Uyawan at Nestor Ramoran makaraang masamsaman ng shabu.

Samantalang naaktuhan naman na nagsasagawa ng pot session sina Michael Florentino at Selbeston Caluya.

Ang apat ay nasa pangangalaga na ng San Mateo Police Station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.