CAUAYAN CITY – Nagpasa ng resolusyon ang Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Incorporated (PHILRECA) para huwag nang sisingilin ang isang buwan na bayad sa koryente ng mga member-consumers na kumokunsumo ng 50 kilowatthour pababa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PHILRECA Partylist Rep. Presley De Jesus na ipinasa na nila ang kanilang proposal sa National Electricfication Administration (NEA) at inaayos na ang mga parameters bago ito ipa-aprub sa mga board of directors ng 121 na electric cooperative sa buong bansa.
Layunin aniya ng kanilang hakbang na matulungan ang mga mahihirap para maibsan ang socio-economic impact ng Coronavirus Disease (COVID-19) crisis sa bansa.
Ayon kay Partylist Rep. De Jesus, pinag-aralan nila itong mabuti at hindi makakaapekto sa financial status ng mga electric cooperatives sa bansa.










