--Ads--

CAUAYAN CITY– Bumaba ng limampung bahagdan ang crime volume na naitala sa lunsod ng ilagan mula buwan ng Enero hanggang Pebrero, 2018 kung ihahambing sa katulad na panahon noong 2017.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni P/Supt Rafael pagalilauan, hepe ng City of Ilagan Police Station na bunga ito ng patuloy na pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay.

Pangunahing naitatalagang insidente sa lunsod ng ilagan ang mga aksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga menor de edad at nakainom ng alak na nagmamaneho ng motorsiklo.

Ayon kay Supt. Pagaliluoan, ang nakikita niyang kalutasan dito ay ang paglalagay nila ng checkpoint para maharang ang mga menor de edad at lasing na nagmamaneho ng motorsiklo.

--Ads--

Nanawagan siya sa mga magulang na huwag hayaan na magmaneho ng motorsiklo ang mga menor de edad na anak.

Ang mga may edad na ay dapat gumamit ng helmet at huwag magmaneho kung nasa impluwensiya ng alak.