--Ads--

Handa na ang Department of Public Order and Safety ngayong Semana Santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DPOS Chief Modesto Cabanos III sinabi niya na nanatiling mapayapa ang Lungsod ng Santiago ngayong Semana Santa.

Inasahan na nila ang posibleng pagdagsa ng mga motorista kaya mag oover time sila para matugunan ang dami ng sasakyan sa kalsada.

Aabot sa 50 personnel ang kanilang itinalaga sa field para mangasiwa sa trapiko.

--Ads--

May naitatag na ring assistance desk o DPOS Lakbay Alalay Assistance booth kung saan maaaring tumugon sa mga motoristang mangangailangan ng tulong nila o sakaling magkaroon ng aberya sa daan.

Maliban dito nakatutok sila sa mga sapa, ilog at malalaking resorts sa lungsod para mahigpit na iregulate ang pag-inom ng nakalalasing na inumin upang maiwasan na ang anumang insidente ng kaguluhan.

Aniya taon taon ay hindi na maiiwasan ang pagkakaroon ng kaguluhan tuwing nakakainom o nasa impluwensya ng alak ang ilang indibiduwal na humahantong sa hindi pagkakaintindihan.

Paalala ng DPOS na mahigpit nilang ipapatupad ang ordinansa na nagbabawal sa pag inom ng alak sa anumang pampublikong lugar at sino mang mahuhuli ay papatawan ng multa na P2000.

May itatalaga rin silang tauhan sa Dariok Hills, Barangay Balintucatoc, Santiago City para naman bantayan ang seguridad ng mga debotong Katoliko na bibisita sa Stations of The Cross.