--Ads--

CAUAYAN CITY – Namahagi ang City Agriculture Office ng indemnity claims sa mga magsasakang naapektuhan ang mga pananim ng tagtuyot at biglaang pagbaha.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Eng’r. Ricardo Alonzo,City Agriculturist ng Lunsod ng Cauayan na mayroong apatnaput tatlong barangays ang tumanggap ng indemnity claims checks na mula sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC.

Aabot sa 559 magsasaka ang nakakuha ng indemnity claims na isinagawa sa City Nursery Brgy. Cabaruan.

Ang mga nabigyang mga magsasaka  ay ang mga nagrehistro sa RSBSA at nagpaseguro naman sa kanilang tanggapan.

--Ads--

Ang kanilang natanggap nakadepende kung ilang ektarya ang ipinasegurong pananim na naapektuhan ng tagtuyot at biglaang pag-ulan.

Ang maximum area na maaaring ipaseguro ng bawat household ay nasa tatlong ektarya lamang.

Ayon pa kay Engr. Alonzo, nakapagtala ang kanilang tanggapan ng may pinakamaraming napinsala ng tagtuyot na mga pananim sa  Forest Region.

Hinikayat naman niya ang mga magsasaka na mag-parehistro RSBSA upang mapagkalooban ng indemnity claims kapag nasalanta ng kalamidad ang kanilang mga pananim.

Mahigit 20 million pesos ang kanilang naipamahagi sa mga magsasakang benepisyaryo.

Ang bahagi ng pahayag ni Eng’r. Ricardo Alonzo.