--Ads--

Umabot sa limandaang riders ang sumali sa inilunsad na Ride for West Philippine Sea ng Breakfast Ride Community at Civil Relations Service ng Armed Forces of the Philippines o AFP bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Heroes Day.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Raymond Gabriel ang founder ng Breakfast Ride Community sinabi niya na ang Ride for West Philippine Sea ay nilahukan ng nasa limandaang riders mula sa iba’t ibang lugar sa Luzon.

Aniya nagtungo sila sa Camp Servillano, Aquino, Tarlac City mula sa Camp Emilio Aguinaldo, Quezon City bitbit ang Care Packages para sa mga Philippine Navy Personnel na bahagi ng kanilang adbokasiya na magpakita ng suporta sa West Philippine Sea.

Nagkaroon ng kaunting programa bago ipinasakamay ang Care Packages na naglalaman ng medyas, non-perishable food items, personal care products, at letter of encouragement mula sa mga riders.

--Ads--

Marami sa kanilang mga kasamang 1st time riders ang namangha at nakaramdam ng pagkamakabayan ng matunghayan ang mga barkong pandigma ng Pilipinas na nagpapakitang pinaghahandaan ng Pilipinas ang modernisasyon at pagpapaganda sa kagamitang pandigma.

Naging malaking boost naman sa morale ng mga Navy Personnel nang makita ang suporta mula sa mga ordinaryong Pilipino na nakikiisa sa layunin ng Pamahalaan para protektahan at ipagtanggol ang West Philippine Sea.