--Ads--

Isinagawa ng 502nd Infantry Liberator Brigade ang “Immediate Action Drill” (IAD) noong Pebrero 7–8, 2026 bilang bahagi ng Company Integration Training Exercise–01 (CITE-01) sa kanilang headquarters sa Brgy. Soyung, Echague, Isabela.

Nilahukan ng 246 na katao mula sa iba’t ibang unit, kabilang ang 502nd Infantry Brigade, 95th at 86th Infantry Battalions, Forward Support Medical Company, 5th Signal Battalion, at 2nd Regional Community Defense Group, pati na rin ang mga reservist trainees mula sa apat na lalawigan ng Rehiyon Dos.

Layunin ng IAD na palakasin ang indibidwal at kolektibong kakayahan ng mga sundalo sa agarang pagtugon sa hindi inaasahang banta at emergency, habang pinabibilis ang reaction time, koordinasyon, at pinatitibay ang pagsunod sa standard operating procedures.

Pinangunahan ng 502IB ang pagsasanay upang paigtingin ang ground operations, command and control, communication, at inter-unit coordination, na inaasahang magpapalakas sa operational readiness at mission effectiveness ng mga regular at ready reserve units sa Rehiyon Dos.

--Ads--