--Ads--

Natangay ang 50k halaga ng alahas ng isang negosyante matapos mabiktima ng hold-up sa Santo Domingo, Echague, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Paul Bulan, nakasaksi sa pangyayari, sinabi niya na bago ang insidente ay kausap niya ang biktima sa labas ng talipapa nito ngunit nagulat na lamang sila nang biglang huminto ang isang single motorcycle na may lulang dalawang tao.

Bumaba ang backrider nito at tinutukan ng baril sa batok ang biktima tsaka hinablot ang necklace at bracelet nito.

Sinubukan pa umano ng suspek na tanggalin ang singsing ng biktima subalit bigong makuha ito.

--Ads--

Minabuti na lamang ng backrider na sumakay sa motorsiklo at dali-daling nilisan ang lugar tahak ang daang patungo sa Centro ng Echague.

Dahil sa takot ay hindi na nila nagawang manlaban pa.

Ayon kay Bulan, hindi nila nakilala ang mga suspek dahil may suot ang mga ito na helmet at tanging physical physique lang ng mga ito ang kanilang natatandaan lalo na at wala ring plate number ang ginamit na motorsiko.