CAUAYAN CITY – Umabot na sa 52 katao ang nadakip sa mas pinaigting na kampanya laban sa Illegal Gambling sa Isabela. .
Labing-anim na sunod-sunod na operasyon sa loob ng tatlong araw ng Isabela Police Provicial Office ( IPPO ) sa 16 na bayan sa Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Supt Warlito Jagto, hepe ng Police Community Relationsng IPPO na pagtalima ito sa kautusan ng mga nakatataas nilang opisyal na palakasin pa ang kampanya laban sa mga sangkot sa illegal gambling.
Sinabi ni Supt. Jagto na karamihan sa mga nahuli ay mga naaktuhan ng mga pulis na nagsusugal sa kanilang pagpapatrOlya.
Tinukoy rin niya ang mga number games tulad ng tong-its at majong na nilalaro ng kanilang mga nadakip sa kanilang operasyon.
Nagpaalala siya sa mga nagsusugal na gamitin nalang sa kapaki-pakinabang at magagandang bagay ang kanilang mga pera.
Sinabi ni Supt Jagto, na ito pa lang ang unang bugso ng kanilang mga operasyon laban sa illegal gambing at umaasa siya na sa pamamagitan nito ay masusugpo ang labag sa batas na nagsusugal sa iba’t ibang bayan sa Isabela.




