--Ads--

Sumampa na sa 52 ang naitalang nasawi dahil sa pananalasa ng Typhoon Tino sa bansa, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

50 casualties ang naitala sa Central Visayas habang dalawa naman sa Western Visayas subalit ito ay kasalukuyan pang vinavalidate ng mga awtoridad.

13 katao naman ang nawawala habang sampu ang napaulat nagtamo ng injury.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang search and rescue operations ng mga awtoridad sa mga biktima ng bagyo.

--Ads--

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Region VII Regional Director Joel Erestain, aabot na sa 706,549 katao o 203, 595 pamilya ang naaapektuhan ng bagyong Tino sa bahagi ng Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Negros Island, Central Visayas, Western Visayas, at Caraga.

Sa nabanggit na datos, 348, 554 katao o 101, 981 pamilya ang nananatili sa evacuation centers habang 27, 698 katao o 88, 357 pamilya ang nakikisilong sa kanilang mga kaanak at kapitbahay.

Dahil sa mga naitalang landslides at malawakang pagbaha ay mayroong 16 na bahay ang nasira — 10 ang partially damaged habang anim naman ang totally damaged.

Nagdeklara na rin ng state of calamity ang lalawigan ng Cebu.