--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa 54 na drug personality ang sumuko mula sa mahigit 200 na binisita ng mga pulis na nagsagawa ng Oplan Tokhang sa 35 na bayan at 2 lunsod sa Isabela.

Nasa 21 newly identified drug personality naman ang nahuli sa isinagawang operasyon ng mga otoridad kontra sa ilegal na droga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Supt. Ronald Laggui, ang Police Community Relations Officer ng Isabela Police Provincial Officer (IPPO) na maituturing na pangkahalatang mapayapa ang unang linggo ng pagbabalik ng Oplan Tokhang sa Isabela.

Kinumpirma rin ni P/Supt. Laggui na may ilang drug personality mula sa listahan ng PNP Directorate for Operations ng Kampo Crame na walang nailagay na tirahan.

--Ads--

Gayunpaman, tiniyak ni P/Supt. Laggui na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang ma-locate at mavalidate ang mga pangalan na nasa kanilang target list.