--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala ngayong araw  ang 55 na bagong nagpositibo sa COVID-19 sa Santiago City at 14 na bayan sa Isabela.

Dahil dito ay umakyat na sa 883  ang mga aktibong kaso habang 25 ang mga gumaling.

Ang mga bagong COVID-19 positive ay naitala sa Lunsod ng Santiago na 13, ang Sta. Maria 8, Roxas 6, Delfin Albano 6, Quezon 4, Cabagan 3, Echague 3, Jones 3, Cabatuan 2, Alicia 2 at tig-iisa ang mga bayan ng Angadanan, Benito Soliven, Burgos, San Mateo at Tumauini, Isabela.

Sa mga aktibong kaso ay isa ang Returning Overseas Filipino (ROF) 26  ang Locally Stranded Individual (LSI) , 133 ang mga health workers, ang mga pulis 23 at   ang local transmission ay 700.

--Ads--

Sa kabuuan ay  umakyat na sa 6,332 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa Isabela, 5,327 ang mga recoveries habang 122 ang nasawi.

Patuloy ang paalala sa publiko ng pamahalaang panlalawigan na sumunod sa mga health protocol at huwag lumabas sa bahay kung hindi mahalaga ang gagawin sa labas para maiwasan ang COVID-19.