--Ads--
Umabot sa 5,594 na examinees ang matagumpay na nakapasa sa 2025 Bar Examination.
Sa kabuuan, 11,425 examinees mula sa 13,193 na rehistradong aplikante ang nakatapos sa tatlong araw na pagsusulit na isinagawa noong Setyembre 7, 10, at 14 sa 14 testing centers sa buong bansa.
Ipinabatid ng Supreme Court na ang opisyal na resulta ng Bar Exams ay inilabas ngayong Enero 7, 2026.
Pangungunahan ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, ang chairperson ng SC Committee on Bar Examinations, ang proseso ng pagsusuri at pag-aanunsyo ng resulta.
--Ads--
Ang oath-taking at pirmahan sa Roll of Attorneys ay nakatakdang ganapin sa Pebrero 6.











