--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang menor de edad dahil sa bigong pagpunta sa korte para harapin ang kaniyang mga kinakaharap na kasong carnapping at rape sa Alicia, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan,inaresto ang akusadong itinago sa pangalang Totoy ng mga kasapi ng Alicia Police Station sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Raul Babaran ng Regional Trial Court Branch 19 ng Cauayan City.

Inirekomenda ang Php200,000.00 piyansa sa kasong carnapping habang walang inirekomendang piyansa sa kasong panggagahasa ng suspek.

Ang akusado ay nakatakdang ipasakamay sa court of origin.

--Ads--