--Ads--

CAUAYAN CITY  Bumuo na ng Task Group Abra ang pamunuan ng 5th Infantry Division, Philippine Army na magiging augmentation ng mga sundalong nakatalaga sa lalawigan ng Abra matapos maitala ang pamamaril patay sa isang security personnel ng Pilar, Abra.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag Capt. Rigor Pamittan, DPAO Chief ng 5th ID na layunin ng pagbuo ng Task Group na mapanatili ang kaayusan at seguridad ng mga botante sa araw ng halalan.

Mas paiigtingin ang seguridad sa mga polling precincts, election  paraphernalia, VCM at mga board of Election Supervisors para makaboto ng maayos at ligtas ang mga botante.

Sinabi pa ni Capt. Pamittan na noong April 5 ay mayroon nang sundalong  naitalaga bilang augmentation force ng pulisya sa Abra upang magbigay ng seguridad.

--Ads--

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng pagpapatrolya at checkpoints ang  binuong  Task Group Abra sa naturang lalawigan upang matiyak na magiging tahimik ang araw ng halalan sa lugar.