--Ads--

Patuloy ang augmentation ng 5th Infantry Division Philippine Army ng kanilang mga medical personnel sa bahagi ng NCR upang tumulong sa Covid 19 response ng pamahalaan.

Ito ang inihayag ni Army Maj. Jekyll Dulawan, ang DPAO Chief ng 5th ID sa ginanap na Usapang Pangkapayapaan Usapang Pangkaunlaran o UP UP Isabela.

Aniya Rotation basis ang isinasagawa sa pagpapadala ng medical personnel upang mapanatili ang kanilang morale sa trabaho at makauwi din sila sa kanilang pamilya dito sa rehiyon.

Apat na personnel lamang ang kasalukuyan ngayong nakaduty sa NCR dahil kakaunti ang kanilang personnel na maipapadala.

--Ads--

Maliban sa NCR ay may mga barangay din sa rehiyon kung saan ang 5th ID ang nag innoculate sa vaccination sa koordinasyon ng mga LGUs dahil sa kanila pa rin galing ang mga vials na ituturok sa mga kabilang sa priority groups.

Ang bahagi ng pahayag ni Army Maj. Jekyll Dulawan.

Maliban sa Philippine Army ay tumutulong din ang Philippine Air Force sa covid 19 response ng pamahalaan.

Inihayag ni LtCol. Sadiri Tabutol, Force Commander ng TOG 2, Philippine Air Force na sa pamamagitan ng kanilang Air Assets ay idinedeliver ang mga bakuna, specimen samples at inihahatid ang mga pasyente ng Covid 19 sa ospital mula sa lalawigan ng batanes.

Aniya myembro ang TOG 2 sa Regional Task Force for Covid 19 kaya nagpapadala sila ng personnel kung may hiling ang mga LGUs maging ang pagtransport ng mga requirements at iba pang requests ng LGU o DRRMOs.

May ipinadala ring medical personnel ang TOG 2 sa Villamor Airbase na kasalukuyan pa ring naroon para sa kanyang duty at pagkatapos ng anim na buwan ay magkakaroon muli ng relyebo at may ipapalit sa kanyang galing din sa Tog 2.

Ang bahagi ng pahayag ni LtCol. Sadiri Tabutol.