Tiniyak ng 5th Infantry Division Philippine Army ang pagiging non partisan kasabay nagpapatuloy na bangayan ng Marcos at Duterte
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LtCol. Melvin Asuncion, Hepe ng Division Public Affairs Office ng 5th ID, sinabi niya na mananatili ang kasundaluhan ng 5th ID sa pagsunod sa Chain of Command at hindi sila magpapaapekto sa anumang isyu na nangyayari ngayon sa mga politiko sa bansa.
Pahayag ito ng 5th ID matapos naman ang pahayag ni former president Rodrigo Duterte na fractured na ang kasalukuyang administrasyon.
Aniya ang kanilang trabaho ay depensahan ang Constitution at protektahan ang sambayanang Filipino at hindi ang pagbibigay ng panig sa mga politiko.
Aniya mananatili ang loyalty ng kasundaluhan sa kasalukuyang administrasyon dahil ito ang kanilang mandato bagamat may kanya-kanyang pananaw ang bawat sundalo.
Magiging propesyunal pa rin aniya ang kasundaluhan ng 5th ID at hindi makikialam sa pulitika dahil hindi naman nila ito trabaho.