--Ads--

CAUAYAN CITY– Naglatag na ang pamunuan ng 5th Infantry Division Philippine army ng mga precautionary measure matapos na isailalim sa State of Calamity ang lalawigan ng Isabela at banta ng coronavirus disease (COVID 19) sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sgt.Jake Lopez ng 502nd Infantry Brigade, sa mga entrance pa lamang ng bawat kampo ay nakahanda na ang tatlong timba kung saan maghuhugas ng kamay ang mga papasok na bisita sa loob ng kampo.

Aniya ang unang timba ay tubig na may chlorine, ang pangalawang timba ay tubig na may sabon at ang pangatlong tima ay naglalaman ng tubig.

Maliban dito ay nag-disinfect na rin sila sa mga opisina at paligid ng kampo upang matiyak na ligtas sa virus ang mga pumapasok at lumalabas sa kanilang kampo.

--Ads--

Anya kung anuman ang magiging desisyon ng pamahalaan ay handa silang imobilized ang kanilang hanay upang matiyak na walang makakapasok at makakalabas na may kaso ng COVID 19 sa Maynila.

Tinig ni Sgt. Jake Lopez

Maliban dito ay may mga parameters na ring ipinapatupad sa loob ng mga kampo kung saan pansamantalang nilimitahan ang mga bibisita sa mga opisina sa mga kampo ng militar.