CAUAYAN CITY – Umaasa ang Pamunuan ng 5th Infantry Divison Philippine Army na maisasakatuparan ang lahat ng mga adhikain ng militar sa ilalim ng pamumuno ni BGen. Gulliver Señires.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Maj. Rigor Pamittan sinabi niya na matapos mag assume sa pwesto ay ikinasa ang kauna-unahang command conforence kung saan inilatag ang mga palano para sa tuluyang pagbuwag sa natitirang miyembro ng Komiteng Rehiyon Cagayan at ICRC sa Isabela bilang bahagi ng kanilang insurgency operation.
Aniya buo ang paninindigan ni BGen. Señires para tuluyan ng mabuwag ang insurhensiya sa kanilang nasasakupan ngayong taon.
Samantala, may gradual shifting na ngayon ang Militar mula Internal Defense Operations sa pamamagitan ng joint capability training kasama ang Allied Nations tulad ng Estados Unidos para mas mapabuti pa ang kapabilidad ng mga sundalo ng 5th ID.
Isa sa ginagawa ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ay ang pagpapalakas sa pwersa hindi lamang ng regular forces kabilang na ang reserved force bilang pagkilala sa ambag at abilidad ng mga reservist na katuwang sa paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan kasabay ng tuloy tuloy na procurement ng Military assets ng Philippine Army.