--Ads--

CAUAYAN CITY – Naglunsad ng Peace Program o Partnership for Education, Advancement and Community Empowerment Program ang 5th Infantry Division, Philippine Army.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Capt. Ed Rarugal, Hepe ng 5th ID Division Public Affairs Office, sinabi niya na layunin ng naturang programa na bigyan ng trabaho ang mamamayan.

Aniya, bibigyan nilang priyoridad ang mga kabataan, Indigenous People, miyembro ng Peoples Organization at mga dependants ng Military.

Ang mga nais mapabilang sa Peace Program ay kinakailangang sumailalim sa 15 day-training at mabibigyan ng 3-6 months na trabaho pagkatapos hanggang sa makakuha sila ng NCII Certificate.  

--Ads--

Ang mga specialization na inooffer rito ay Missionary, Carpentry, Sewing at Scaffolding.

Kapag nakaabot ng isang taon sa programa ang isang trainee ay matutulungan siya na iprocess ang pasaporte nito upang mabigyan siya ng pagkakataon na makapag-tranaho abroad.

Sa ngayon ay mayroon ng tatlumpu’t siyam na sumasailalim sa programa at bukas pa rin sila sa pagtanggap ng mga nais makilahok.

Aniya, ang Peace Program ay mula sa 72nd Brigade na dinala ng bagong talagang Commander ng 5th ID na si MGen Gulliver Señirez upang mas maging malawak ang saklaw nito.

Mas pinaiigting naman ngayon ng kanilang hanay ang kanilang kampanya sa pagsugpo ng insurhensiya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Local Peace Engagements.

Target nilang maabutan ng social services ang mga nasa malalayong lugar upang maiwasan na sila ay ma-recruit ng mga makakaliwang grupo.