--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinabulaanan ng pamunuan ng 5th Infantry Division Philippine Army ang alegasyon na military intelligence sa mga isinasagawang kilos protesta ng ilang mga indibiduwal dahil sa paratang na dayaan sa katatapos na halalan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Capt. Rigor pamittan, DPAO Chief ng 5th ID, sinabi niya na propaganda na lamang para ang naturang mga pahayag dahil ang tunay na hangarin nila ay magbigay ng seguridad sa mga board of elections, comelec officers at nagsisilbing BEI sa Canvassing laban sa banta ng New Peoples Army (NPA).

Sa ngayon ang lahat ng mga law enforcer na na-augment noong halalan ay unti-unti nang bumabalik sa kanilang kampo at istasyon.

Ang Task Froce Abra na nagbigay ng security forces sa Abra na nasa ilalim ng COMELEC control ay mananatili sa lugar hanggang matiyak ang maayos na turn over ng mga Vote counting Machines pabalik sa hubs.

--Ads--

Mungkahi niya ngayon sa mga patuloy na nanggigiit ng dayaan at iregularidad sa halalan na maghain ng matibay na ebidensiya na susuporta sa kanilang paratang dahil mananatiling bukas ang 5th ID na magbigay ng seguridad at aksyunan ang ano mang anomalya na nangyari sa kanilang nasasakupan.

Batay aniya sa kanilang pagtaya pangkalahatang naging mapayapa ang idinaos na halalan sa kanilang nasasakupan.