--Ads--

CAUAYAN CITY- Naglabas na ang pahayag ang pamunuan ng 5th Infantry Division Philippine Army kaugnay sa insidente ng indiscriminate firing sa Barangay Batong Labang City of Ilagan na kinasangkutan ng isa sa kanilang mga sundalo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan DPAO chief Maj. Ed Rarugal, sinabi niya na nakarating sa kanilang ang insidente sangkot ang isa Corporal na assigned sa Camp Melchor Dela Cruz, sa Upi, Gamu, Isabela at tubong Bucloc Abra.

Aniya, batay sa initial investigation ng PNP Ilagan nakipag-inuman ang biktima sa kapwa niya mga sundalo na nakatalaga din sa 5th ID , dahil umano sa pagkainip ay napagdesisyunan nitong magtungo sa tabing ilog para umano mag target shooting.

Dito ay nagpaputok umano siya ng baril sa hindi malamang dahilan, na nagresulta sa pagkasugat ng biktima na tinamaan ng ligaw na bala sa kanang balikat.

--Ads--

Sa ngayon nakikipag ugnayan ang 5th ID sa PNP para sa ginagawang imbestigasyon.

Tinawag namang isolated case lamang ni 5th ID Commander MGen. Gulliver Sineres ang insidente ay siniguro sa publiko na hindi ito sasalamin sa adhikain ng kasundaluhan ng 5th ID.