--Ads--

CAUAYAN CITY- May mga gumagalaw na ngunit hindi pa nakikita ang resulta dahil hinihintay na ang implementing rules and regulation o IRR sa pagpapatupad sa localized peace talks.

Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan kay Capt. Jefferson somera, pinuno ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry division philippine army, sinabi niya na may order o kautusan na si Major Gen. Perfecto Rimando, Commander ng 5th ID na i-facilitate o gawing mas madali ang localized peace talks bagamat frontliner ang mga pamahalaang bayan at pamahalaang panlalawigan sa pakikipag-usap sa mga rebeldeng New People’s Army sa kanilang nasaskaupang lugar.

Ganap nang maisusulong ang localized peace talks kapag ipinalabas na ang executive order ng pangulo at mayroon nang implementing rules and regulation.

Muling hinikayat ni Capt. Somera ang mga kasapi ng CPP-NPA na sumuko na at magbagong buhay sa pamamagitan ng ipagkakaloob na tulong sa kanila ng pamahalaan.

--Ads--