--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang mga isinasagawang operasyon at programa ng 5th Infantry Division, Philippine Army para tuluyan nang maging insurgency free ang lahat ng lugar sa kanilang nasasakupan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Maj. Rigor Pamittan, hepe ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division, Philippine Army, sinabi niya na huling lugar na nakalaya na sa kamay ng makakaliwang grupo ang Lunsod ng Ilagan.

Kamakailan lamang ay idinaos ang pagdedeklara sa Lunsod bilang Insurgency Free maging ang bayan ng San Mariano at Benito Soliven na dating pugad ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Aniya, patunay lamang ang mga naganap na deklarasyon na mahina na ang makakaliwang grupo at ayaw na ng mga residente ang presensya ng mga rebelde sa kanilang lugar.

--Ads--

Maliban dito ay patuloy ang kanilang mga programa para sa komunidad at anim na barangay health stations ang malapit nang matapos na ipatayo sa lalawigan ng Abra.

Priority project ito ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na pinondohan sa pamamagitan ng Support to Barangay Development Program.

Dalawang classroom din ang nakatakdang ipatayo sa bahagi naman ng Cagayan pangunahin na sa Alannay Elementary School na  tanging beneficiary school sa Cagayan sa community development component ng Balikatan Partnership ng Pilipinas at Estados Unidos.

Tinig ni Maj. Rigor Pamittan.