--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatutok na ngayon ang pamunuan ng 5th Infantry Division, Phil. Army sa nalalapit na Brgy at Sangguniang Kabataan Election.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Rigor Pamittan, chief ng Division Public Affairs Office o DPAO ng 5th ID, sinabi niya na nakikipag-ugnayan  na sila sa mga local police stations at tanggapan ng DILG sa lambak ng Cagayan para sa mga gagawing measures sa paghahanda sa halalan, pangunahin na sa mga lugar na mainit ang sitwasyon sa eleksyon maging sa mga lugar na pinamumugaran pa rin ng mga NPA.

Aniya kapag eleksyon ay may mga isinasagawa ang mga rebeldeng grupo upang makakalap ng pondo sa pamamagitan ng pangingikil sa mga kandidato.

May mga ipinapakalat ang mga rebelde tuwing halalan na permit to campaign at permit to win sa mga kandidato.

--Ads--

Ang mga nalilikom na pera mula sa mga kandidato ay ginagamit nila sa pagsustain sa pangangailangan ng kanilang grupo.

Sa ngayon ay wala pa namang namomonitor ang 5th ID ngunit tiniyak ni Major Pamittan na magiging alerto ang mga sundalo sakaling makasagap ng impormasyon tungkol sa nasabing gawain ng mga NPA.