--Ads--

CAUAYAN CITY – Buo ang suporta ng 5th Infantry Division Phil. Army sa pahayag ng bagong kalihim ng Department of National Defense o DND na hindi pagpayag sa muling pagkakaroon ng peacetalks sa pagitan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.

Unang inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na matagal niya nang ayaw na isulong ang peacetalks sa pagitan ng CPP-NPA-NDF, na siya ring posisyon ngayon national security cluster.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Maj. Rigor Pamittan, ang hepe ng Division Public Affairs Office o DPAO ng 5th Infantry Division Phil. Army na patuloy sila sa programang pagtapos o pagbuwag na sa insurhensiya sa bansa.

Aniya walang katotohanan ang pahayag ng grupo na bukas sila sa muling pagkakaroon ng peace talks dahil ginagamit lamang ito upang sila ay palihim na makapagrekrut muli ng mga bago nilang myembro.

--Ads--

Nanawagan naman si Maj. Pamittan sa mga natitira pang myembro ng teroristang grupo na gayahin ang dalawamput isang sumukong rebelde sa Cagayan na nasa mabuti nang kalagayan ngayon.

Aniya nawa’y sumuko na rin ang mga ito at itigil na ang walang kabuluhang pakikibaka at mabuhay ng tahimik at malaya sa kaguluhan.