CAUAYAN CITY– Sinampahan ng kasong 2 counts ng statutory rape ang isang tricycle driver matapos pagsamantalahan ang batang kapitbahay sa Cauayan City.
Ang suspek ay itinago sa pangalang Asiong, nasa tamang edad, may asawa, tricycle driver habang ang kanyang biktima ay itinago sa pangalang Annie, 6 anyos at kapwa residente ng Poblacion, Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Esem Galiza, Chief ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na unang ginahasa ng suspek ang bata noong December 2019.
Aniya, isinalaysay ng bata na siya ay hinila ng tricycle driver sa loob ng bahay nito at pinaghahawakan sa kanyang dibdib at ipinasok ang daliri sa maselang bahagi ng katawan.
Matapos nito ay binigyan ang bata ng P20.00 upang hindi magsumbong.
Nasundan umano ang panghahalay ng tricycle driver sa bata noong Pebrero 2020 at ipinasok na ng suspek ang ari nito sa maselang bahagi ng katawan ng bata.
Ayon kay PCapt Galiza, ngayong Marso ay nagsumbong ang bata sa kanyang mga magulang na agad nagsumbong sa himpilan ng pulisya.
Ipinasuri ang bata sa pagamutan at matapos nito ay kinausap ng mga pulis ang mga magulang ng biktima para sa pagsasampa ng kaso laban kay Asiong.










