--Ads--

CAUAYAN CITY –Anim na checkpoints ang inilatag ng Department of Agriculture (DA) region 2 upang mapigilan ang pagpasok ng african swine fever sa rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Roberto Busania, regional technical director for operations annd extension ng DA region 2 na ang anim na checkpoints ay nakalatag sa Santa Praxedes Cagayan; dalawa sa Nueva Vizcaya pangunahin na sa mga bayan ng Santa Fe at Kapaya; isa sa Nagtipunan, Quirino.

Mayroon ding checkpoints dito sa Isabela pangunahin na sa mga bayan ng San Pablo at Cordon.

Sa mga inilatag na checkpoints ay mayroong nakatalagang mga kawani ng DA , Bureau of Animal Industry, kinatawan ng LGU at PNP.

--Ads--

Mahigpit anya nilang sinusuri ang mga baboy at pork meat na pumnapasok sa rehiyon upang matiyak na hindi nagtataglay ng sakit.

Tinig ni Dr. Roberto Busaniang DA region 2

Tiniyak naman niya na wala pa namang naitatalang kaso ng African Swine Fever sa region 2 at sa buong bansa.