--Ads--

CAUAYAN CITY – Anim kataong naaktuhang nagsusugal sa Cancillier Avenue Barangay District 1, Cauayan City ang dinakip ng magkasanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group ( CIDG) Isabela at Cauayan City Police Station ang

Unang nakatanggap ng pabatid ang mga kasapi ng CIDG Isabela na mayroong operator ng drop ball kayat sa nasabing lugar kaya nagsagawa sila ng operasyon katuwang ang PNP Cauayan City.

Sa nasabing pagsalakay ay naaktuhang naglalaro ng drop ball sina Carlo Dela Cruz, anyos, binata; Jefferson Paguio, 25 anyos, binata; Carl Angelo Santos, 22 anyos, may-asawa; Mark Pineda, 29 anyos, binata; Arjay Cruz, 26 anyos, binata at Sandra Dizon, 26 anyos, dalaga at pawang Residente ng District 1, Cauayan City.

Noong mga nakalipas na araw ay napansin ang palaruan ng sugal kaya ipinagbigay alam sa mga otoridad na agad tinugunan ng CIDG Isabela at Cauayan City Police Station.

--Ads--

Nasamsam sa nasabing operasyon ang P/3,670.00 cash na taya ng mga suspe at mga gamit ng sugalan.

Matapos madakip ang anim na suspek ay dinala sa tanggapan ng CIDG Isabela at sinampahan na ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 ( anti illegal gambling law ).