--Ads--

CAUAYAN CITY- Anim katao ang nasugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa National Highway sa barangay Mambabanga, Luna, Isabela.

Ang mga nasugatan ay ang tsuper ng Rusi motorcycle na si Frederick Ramos, 22 anyos, residente ng Sinamar Sur, San Mateo, Isabela at angkas na si Joy Mecate, 17 anyos at residente ng Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela.

Ang tsuper naman ng nakabangaan na Yamaha mio ay si
Caroline Bacolod , 31 anyos at angkas sina, Maritess Alejo, 26 anyos, Xyrelle Bacolod, 4 anyos, Janelle Bacolod, 4 anyos, pawang residente of Purok, Luna, Isabela.

Ang Rusi motorcycle na walang plaka ay galing sa Cabatuan, Isabela at patungong Cauayan City, Isabela nang maganap ang aksidente sa palikong daan sa harapan ng waiting shed sa Mambabanga, Luna.

--Ads--

Binangga sila ng motorsiklong minamaneho ni Caroline Bacolod na paliko sa crossing.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga sakay ng dalawang motorsiklo at agad na isinugod sa magkahiwalay na pribadong ospital sa Cauayan City ng mga tumugon na Rescue team ng LGU Luna at Rescue 922 ng Cauayan City.