--Ads--

CAUAYAN CITY– Inaasahang darating sa  Cauayan City  bukas ng umaga ang 6 na  mga labi ng sakay ng cessna 206 plane na bumagsak sa dalisdis ng bundok sa Ditarum, Divilacan, Isabela

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Governor Rodito Albano na matagumpay na naibaba ang mga labi kaninang tanghali ng mga Composite Retrieval Team na binubuo ng Philippine Army  at PNP Special Action Force, BFP Special Rescue Force at Rescue Team ng Divilacan at Maconacon sa tulong ng mga kasapi ng AK9 Man Dogs mula sa Batangas, mga vounteers kabilang na ang mga dumagat at agta sa  Divilacan Proper.

Inihayag ni Governor Albano na hindi naka-penetrate ang chopper ng Phil. Airforce patungong bayan ng Divilacan ngayong araw  dahil sa mga  makakapal na ulap kaya  hindi nasundo ang mga labi.

Bukas ng umaga ay inaasahan ang pagdating ng mga labi sa Tactical Operations group 2 dito sa Cauayan City sakay ng chopper ng Phil. Airforce.

--Ads--

Sinabi ni Governor Albano na nakausap na niya ang pamilya ng piloto at mga pasahero at tiniyak nila sa kanila na lahat ng gastusin ay sasagutin ng pamahalaang panlalawigan.

Pinayuhan  din niya ang pamilya ng mga biktima na ipa-cremate nila ang mga labi ng kanilang kaanak at pumayag na ang pamilya ng piloto.

Saludo anya si Governor Albano  sa  mga rescuers na naghirap at nag-sakripisyo upang mahanap ang mga labi ng mga biktima.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano ng Isabela.