--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinasakamay sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang anim na menor de edad na umano’y sangkot sa nakawan sa lalawigan ng Quirino, Nueva Vizcaya at lunsod ng Santiago.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sinabi ni P/Senior Inspector Alex Felipe Orbillio, hepe ng Saguday Police Station na nahuli ang anim na menor de edad nitong martes, ikalabing walo ng Setyembre ng mga kasapi ng PNP Saguday habang nagpapatrolya.

Matapos mahuli ay napag-alaman na ang mga minamanehong motorsiklo at bike ng mga menor de edad ay mula sa nakaw kaya agad idinala sa kanilang himpilan para sa imbestigasyon.

Lumabas aniya sa kanilang follow up investigation na ang mga ito ay may isa pang grupong kasama sa bayan naman ng Diffun, Quirino na nagnanakaw din ng mga motorsiklo at ngayoy nasa pangangalaga na rin ng DSWD.

--Ads--

Agad aniya na nagsagawa ng operasyon ang mga kasapi ng pinagsanib na pwersa ng PNP Diffun, Saguday at Aglipay Police Station para I-raid ang isang shop na umano’y pinagdadalhan ng mga nakaw na motorsiklo saka pinagpipiraso-piraso at ibinebenta.

Agad na nadakip ang anim menor de edad habang mayroon ding mga nakatakas.