--Ads--

Nasugatan ang isang anim na buwang sanggol na lalaki matapos tamaan ng paputok sa San Fermin, Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station, sa pagsalubong ng bagong taon ay nanonood umano ng fireworks display ang biktima at ang pamilya nito sa labas ng kanilang bahay nang biglang may lumipad na paputok  o kwitis sa kanilang direksyon at sumabog malapit sa sanggol.

Dahil sa insidente ay nagtamo ng minor burn sa ulo ang biktima na agad namang naisugod sa Hospital para sa medikal na atensyon.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

--Ads--