--Ads--

Pumalo na sa anim ang nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Shanshan sa  Hilagang-silangan ng Japan.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Hannah Galvez na patuloy na nakakaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Japan dahil sa nasabing bagyo.

Patuloy itong kumikilos patungo sa Northern Japan.

Dahil sa pananalasa ng bagyo ay nag-iwan na ito ng anim na nasawi habang nasa isandaan naman ang nasugatan mula sa iba’t ibang bahagi ng Japan.

--Ads--

Aniya mas naging malawak pa ngayon ang mga lugar na apektado ng Bagyo kaya maraming mga eskwelahan na ang nagkansela ng pasok.

Nag-abiso na rin ang Japan Meteorological Agency ng alert level 4 sa mga panguhaing ilog sa bahagi ng Meguro, Nogawa at Sengawa.

Nagkaroon din ng flashflood at landslide na nagsanhi para masira ang maraming imprastraktura habang binaha naman ang mga daan, subway at parking lot.

Pinalikas na rin ang mga nakatira sa coastal areas sa mas mataas na lugar.

Dahil sa malawak na power outages ay maraming pagkain na itinago ng mga taong nag-panic buying ang nasira.

Samantala, bahagya nang bumabagal at humihina ang bagyo subalit aasahang magtatagal pa ang epekto nito hanggang lunes.