--Ads--
Anim na katao ang nasawi habang tatlo naman ang nasugatan matapos masunog ang isang bus sa Kerzers, Switzerland.
Pinaniniwalaan ng mga imbestigador na nagsimula ang sunog nang sindihan ng apoy ng isang pasahero ang sarili nito.
Ayon kay Fribourg Attorney General Raphael Bourquin, wala silang nakikitang ebidensiya na magpapatunay na isa itong terrorsism attack.
Batay sa paunang imbestigasyon, sinasabing sumakay sa bus ang isang lalaking Swiss na may dalang mga bag bago umano niya buhusan ng flamable liquid ang sarili at sindihan ng apoy. Hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng lalaki.
--Ads--
Tatlong sugatang pasahero ang agad na dinala sa ospital para sa gamutan.





