--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang anim katao makaraang masangkot sa aksidente sa Gamu, Isabela at Cauayan City

Masuwerteng nakaligtas sa kamatayan ang apat na taong lulan ng kotseng nagmistulang lumipad mula sa highway patungo sa gilid ng may kalalimang damuhan sa pambansang lansangan sa Upi, Gamu, Isabela.

Batay sa mga nakasaksi, paparating pa lamang ang kotse nang pagewang-gewang nang nagmistulang lumipad at naglanding ng may limampong metro ang layo mula sa gilid ng national highway.

Ang apat ay na sakay ng kotse ay nakilalang sina Criswin Madelia ng Guibang Gamu; Bonifacio Martin ng Gamu, Isabela; Cely Serrano ng Montalban, Rizal at Emmalyn Musika ng Upi, Gamu, Isabela.

--Ads--

Galing sa isang resort ang apat at hindi pa mabatid kung nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin.

Agad na dinala ng DART Rescue 831 sa pagamutan ang apat na sakay ng kotse at hindi malubha ang mga sugat na kanilang natamo.

Mabuti na lamang ay walang nakasalubong na sasakyan ang kanilang sinakyang kotse

Samantala, nagbanggan ang dalawang motorsiklo sa Maharlika Highway District one, Cauayan City

Ang dalawang motorsiklong sangkot sa banggaan ay ang mga minamaneho nina Gina Belesario, 45 anyos,may-asawa, isang laborer, residente ng San Fermin, Cauayan City at Rogen Alliaga,39 anyos, binata, isang security guard na residente ng Tandul, Cabatuan, Isabela.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na habang binabagtas ng dalawang motorsiklo ang maharlika highway ay biglang nag-U-turn ang motorsikong minamaneho ni Belesario.

Eksakto namang mag-overtake si Alliaga nang mag- U-turn si Belesario sanhi para sila ay magsalpukan.

Bumaliktad ang dalawang motorsklo sanhi para masugatan ang mga nagmamaneho.

Hindi nagtamo ng malubhang sugat ang dalawa kayat kaagad na nakalabas sa pagamutan

Nagka-areglo sa himpilan ng pulisya ang dalawang tsuper at hindi na magsasampa ng kaso laban sa isa’t-isa.