--Ads--

CAUAYAN CITY- Mananatili pa rin dito sa Cauayan City ang 60 pulis na nagsisilbing augmenation force ng Cauayan City Police Station noong Semana Santa.

Sinabi ni P/Sr.Insp.Randy Joseph Carbonel, ang chief patrol and traffic ng PNP Cauayan City na hiniling ng pulisya na manatili ang nasabing mga pulis upang tumulong sa ipinapatupad na seguridad kasabay ng pagdiriwang ng Gawagawayyan Festival sa Cauayan City.

Matatandaan na noong Semana Santa ay nagpadala ang PNP Regional Office 2 ng augmentation force para sa Oplan SUMVAC ng Cauayan City Police Office.

Ang nasabing mga pulis ay itinalaga sa ibat ibang lugar sa Cauayan City katuwang ang mga kasapi ng PNP Cauayan City upang magbigay ng assistance sa mga terminal, ilog at matataong lugar noong semana santa.

--Ads--

Mananatili ang 60 pulis hanggang matapos ang pagdiriwang ng Gawagawayyan Festival.

Ang nasabing mga pulis ay mga bagong graduate na may ranggong Police Officer 1.