--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinili ng DOH Region 2 ang bakuna mula sa aztrazeneca at sinovac na gagamitin sa vaccination rollout dahil ito ay maaring iimbak sa mga freezers na mayroon ang mga ospital sa rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DOH Region 2 Regional Director Dr. Rio Magpantay,walang ultra low freezers ang rehiyon na kayang mag imbak ng bakuna sa -70 degrees celsius gayunman ay pinaghahandaan na ng ilang ospital na bumili.

Ayon kay Dr. Magpantay, nangtayo na sila ng emergency operation center upang balangkasin ang mga dapat gawin sa pagdating bakuna hanggang sa rollout na ng vaccination, kung saang lugar gaganapin at sino ang uunahing bakunahan.

Prayoridad na unahin ang mga health workers kaya lahat ng mga health workers ng mga ospital at RHUs ay inililista na sa master list na ilalagay sa information system ng DOH.

--Ads--

Nasa animnapung libong health workers ang prayoridad na unahing mabakunahan kontra covid 19 sa rehiyon dos.

Pagkatapos ng mga health workers ay isusunod na ang mga senior citizens kung maganda ang resulta ng mga bakuna hanggang sunud sunod na ang mga prayoridad na mamamayan na babakunahan.

Hindi naman umano ito pwersahan dahil kailangan pa rin ang consent ng health worker kung nais niyang magpaturok pero hinihikayat pa rin sila ng DOH na magpabakuna na dahil sa mga advantages na maaari nilang makuha.

Nagpapatuloy naman ang information dessimination ng DOH Region 2 upang maipagbigay alam sa mga mamamayan na kailangan nilang magpabakuna para sa kanilang kaligtasan sa virus at tiniyak na tama ang impormasyon na kanilang ipinapakalat.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Rio Magpantay.