--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang magsasaka matapos barilin ng airgun ng kanyang inaanak sa kasal sa Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay si Dominador Ganadin, 62 anyos, magsasaka at residente ng Pieza, Villaverde, Nueva Vizcaya

Ang suspek ay si John Vincent, 24 anyos, isang contruction worker at residente sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Senior Inspector Oscar Abrojena, hepe ng Villaverde Police Station na ang grupo ng biktima at suspek ay nag-iinuman.

--Ads--

Maari aniyang ikinairita ng suspek ang malakas na boses ng biktima sanhi para barilin nito sa batok ang kanyang ninong sa kasal.

Isang airgun ang ginamit sa pamamaril ng suspek na agad sumuko sa mga otoridad.