CAUAYAN CITY – Naitala ngayong araw ang 63 bagong nagpositibo sa COVID-19 sa 3 lunsod at 10 na bayan sa Isabela.
Dahil dito ay umakyat na sa 581 ang mga aktibong kaso habang 28 ang mga gumaling.
Ang mga bagong COVID-19 positive ay naitala sa Lunsod ng Santiago na 12, San Manuel 12, Sta. Maria 11, Cauayan City 10, Echague 5, Cabagan 3, City of Ilagan 2, Ramon 2 at tig-iisa ang Cordon, Gamu, Roxas, San Pablo at Tumauini.
Sa mga aktibong kaso, 16 ang mga Locally Stranded Individual (LSI), 68 ang mga health workers, 6 ay miyembro ng Philippine National Police (PNP) at ang local transmission ay 491.
Sa kabuuan ay umakyat na sa 5,607 ang nagpositibo sa COVID-19 sa Isabela, 4,917 ang mga recoveries habang 109 ang nasawi.
Patuloy ang paalala sa publiko ng pamahalaang panlalawigan na sumunod sa mga health protocol at huwag lumabas sa bahay kung hindi mahalaga ang gagawin sa labas para maiwasan ang COVID-19.











