--Ads--

Pumalo na sa 177 ang nasawi sa pagbagsak ng Jeju Air Flight 7C2216 sa  Muan International Airport sa South Korea.

Tinangka umanong mag-landing ng naturang eroplano sa paliparan ngunit lumihis ito sa runway dahilan upang tumama ito sa pader ng Airport at magliyab.

Ang Jeju Air Flight 7C2216 ay mula sa Thailand at lulan nito ang 175 na pasahero at anim na crew members.

Sa ngayon ay nasa 33 na ang narekober na mga labi habang nagpapatuloy ang ginagawang paghahanap sa katawan ng iba pang mga biktima at inaasahang madaragdagan pa ang nabanggit na mga datos.

--Ads--

Inaalam pa sa ngayon ng mga awtoridad ang sanhi ng naturang insidente.

Wala pa namang pahayag ang pamunuan ng Boeing at ang U.S. Federal Aviation Administration hinggil dito.