--Ads--

CAUAYAN CITY- Naniniwala ang mga kaanak ng isang lolo na natagpuang patay sa drainage canal sa Batal, Santiago City na may foul play sa pagkamay nito.

Ang biktima ay si Federico Casongsong,64 anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa asawa ng biktima, nagpaalam ang mister na linisin ang drainage canal sa likod ng slaugtherhouse.

Aniya, madalas umanong nililinisan ng biktima ang drainage canal dahil na rin sa nararanasang nilang pagbaha tuwing malakas ang ulan.

--Ads--

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagtamo ng sugat malapit sa kanyang tainga at likod ang biktima.

May nakita ring paso sa kanang paa nito na maaring sanhi ng mainit na tubig mula sa slaughter house na dumadaloy sa naturang drainage canal.

Nananawagan ang pamilya ng biktima sa mga nakakita sa posibleng may foul play sa pagkamatay ni Casongsong na huwag matakot na makipagtulungan sa mga otoridad upang mabigyan siya ng katarungan.

Nakatakda namang isailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima upang malaman ang tunay na sanhi ng pagkamatay nito.