CAUAYAN CITY–Nagtapos ang 65 drug surrenderers na unang batch na sumailalim sa driving skills training sa Betabian, San Mariano,Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, naghayag ng katuwaan si Gng. Fataima Carag, supervising skills development specialist ng Technical Education Skills and Development (TESDA) sa pagtatapos ng mga drug surrenderers sa driving skills training.
Anya, bagamat masasabing hindi lahat ay magaling na sa pagmamaneho ay maalam na rin sila at lilinangin na lamang ang kanilang kaalaman sa pagmamaneho.
Sinabi ni Gng. Carag na mahalagang makapasa sa driving skills at mabigyan ng national certificate in driving na isang requirement sa pagkuha ng lisensiya.
Sasailalim din ang mga nasabing drug surrenderers sa seminar sa Land Transportation Office at Land Transportation Franchising Regulatory Board sa mga susunod na panahon upang mapag-aralan nila ang road safety at road signs.
Katuwang ng San Mariano Police Station, LGU at PDEA ang TESDA sa pagsasailalim ng driving skills ng mga drug surrenderers.
Magbigay din ng TESDA ang welding at mechanic courses sa mga susunod na batch ng mga drug surrenderers na pangunahin nilang kahilingan.




