Muling ikinasa ng Commission on Election o COMELEC Cauayan City ang ikalawang bugso ng Operation baklas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Election Officer Johannah Vallejo, sinabi niya na umabot na sa 66 election materials ng local and national candidates ang nabaklas nila para sa ikalawang linggo ng Operation baklas ng Comelec.
Aniya, inaasahan nila na zero ang makukumpiska nilang mga election materials para sa local candidates dahil sa una na silang nakapag bigay ng notice subalit may mga lumabag parin.
Sa kabila nito ay isa parin ang Lungsod ng Cauayan sa mga Lungsod na may pinakamababang bilang ng lumalabag sa pagpapaskil ng election materials sa maling lugar.
Wala naman aniyang lumabag sa sizes subalit isa sa nakakadismaya ay ang pagpapaskil sa mga puno, kawad ng kuryente, maging sa mga tulay na alam naman umano nilang matagal ng bawal.
May paliwanag naman si Election Officer Vallejo na bagamat ipinagbabwal ang paglalagay ng materials sa mga hindi common poster area ay hindi bastas baasta maaaring magbaklas ng walang paunang abiso sa kandidato.
Isang halimbawa aniya dito ay ang paglalagay ng materials sa private property kahit aniya ayaw ng may-ari o hindi gusto ng may-ari ang kandidato ay hindi nito maaaring alisin na lamang basta basta ang campaign materials o sirain ng walang pahintulot ng abiso sa kandidato.