67 pesos per day na poverty treshold natukoy ng Philippine Statistics Authority para sa Isabela

165
--Ads--

Natukoy ng Philippine Statistics Authority ang 67 pesos per day na poverty treshold para sa Lalawigan ng Isabela na bahagyang mataas kumpara sa naitalang 64 pesos sa National Capital Region.

Maituturing na mahirap ang isang pamilya o indibidwal na may kita na baba sa P13,800 batay sa natukoy na poverty threshold ng NEDA ayon sa Philippine Statistics Authority habang sa Isabela naman ay P14,375 pesos.

Inihayag ni Cristilu Geronimo, Statistical Specialist 2 ng PSA Isabela na batay sa NEDA para hindi ituring na mahirap ang isang pamilya ay kailangan nitong magkaroon ng monthly income na P13,800 pataas para masuportahan ang food and non food expenses, habang ang mga kumikita ng below P13,800 ay ikukunsiderang mahirap.

Aniya may ibat-ibang factor sa batayan upang matukoy na poor o non poor ang isang pamilya tulad ng spending pattern sa pagkain at ibang pangangailangan, uri ng trabaho, pinagkakakitaan at iba pang income gaya ng pensions para sa mga senior citizens.

--Ads--