--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuan ang katawan ng isang lolo na palutang-lutang sa irigasyon na nasasakupan ng Arellano, Quezon, Isabela.

Ang biktima ay si Ramon Cuizon, 63 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Arellano Quezon, Isabela habang ang suspek ay si Edwin Siquing, 49 anyos at residente ng barangay Lepanto, Quezon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Capt. Fresile Dela Cruz, hepe ng Quezon Police Station na bago ang insidente ay nagkaroon ng inuman kagabi sa bahay ng suspek at nagkaroon ng sagutan at suntukan sina Cuizon at Siquing.

Matapos nito ay kumuha umano ng itak ang suspek at tinaga ang biktima sa kanyang mukha na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

--Ads--

Gamit ang kuliglig ay dinala umano ang suspek ang katawan ng lolo sa irrigation canal.

Hindi napalayo ang pagkaanod ng katawan ng biktima at natagpuan ng mga tao ang kanyang katawan.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Quezon Police Station si Siquing na nahaharap sa kasong murder.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.