--Ads--

CAUAYAN CITY – Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang newly identified drug personality na nakatakas bago maisilbi ng mga pulis ang search warrant na ipinalabas ng hukuman.

Dakong alas otso kagabi nang isilbi ng Cauayan Police Station Regional Intelligence Division (RID) at Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ang search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Reymundo Aumentado ng korte sa Lunsod ng Cauayan sa boarding house ni Jonard de Ramos sa Sto Nino Subdivision, Cabaruan, Cauayan City.

Ang operasyon ay nagbunga ng pagkasamsam ng 10 heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu shabu.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Maj. Jerry Valdez, chief investigation section ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na maaaring nakatunog si de Ramos kaya nakaalis sa kanyang boarding house na hindi dala ang mga nasamsam sa kanyang silid .

--Ads--
Ang tinig ni P/Major Gerry Valdez

Isang buwan aniyang minanmanan si de Ramos bago nila isinagawa ang pagsisilbi ng search warrant.