CAUAYAN CITY – Dinala sa Manuel A. Roxas District Hospital para malapatan ng lunas ang 13 na nasugatan na sakay ng isang kuliglig o hand tractor na may trailer na nabangga dakong 8:30 kagabi ng isang Hilux pick up sa daan sa San Luis, Roxas, Isabela.
Ang mga nasugatan ay ang nagmaneho sa kuliglig na si Gerald Bueno at sakay na sina Carmelita Marquez, 43 anyos; Ayexa Stefanie Bueno, 5 anyos; Adelaida Dumaguing, 64 anyos na pawang mga residente ng Lanting, Roxas, Isabela.
Ang iba pang nasugatan ay sina Christel Mae Fernandez, 13 anyos; Valerie Fernandez, 10 anyos; Rosalina Baraya, 74 anyos; Vilma Alejandro, 46 anyos; Jhasey Curameng, 7 anyos; Jovy Curameng, 6 anyos, pawang residente ng San Luis, Roxas, Isabela; Grace Castillo, 30 anyos; Althea Castillo, 2 anyos, kapwa residente ng Luttuad, Diffun, Quirino at si Gemalyn Dulnuan, 33 anyos, residente ng Simmanongon Norte, San Pablo, Isabela.
Ang driver ng pick up ay si Jose Ramil, isang animal production specialist ng isang malaking kompanya at residente ng Bulanao Norte, Tabuk City, Kalinga.
Sa imbestigasyon ng Roxas Police Station, patungong town proper ng Roxas, Isabela ang dalawang sasakyan nang mabangga ng pick up ang likurang bahagi ng sinusundang kuliglig na dahilan para masugatan ang 13 na sakay nito.
Sila ay dinala sa ospital ng mga tumugon na kasapi ng Rescue 333 para malapatan ng lunas.